Tinanong ko yung pinsan ko kung kumusta yung internship nya.
Lagi ko kasing pinapayo na kung sakali mang patimplahin lang sya ng kape o utusan bumili ng pandesal (ano to lola namin ang boss???) ok lang basta makapa nya yung industriya tsaka maka-kuha sya ng network.
Yun kase yung plano ko noon for me.
Walang OJT sa curriculum namin pero nag-hanap ako ng internship program just to do what I said to him.
Pero ako mismo hindi ko yun nagawa. Kinain ako ng kaba nung kinakausap ko yung mga lawyers nung firm noon.
Obviously, ang gusto ko that time, maging abogado.
Na-imagine kong i-revolutionize yung legal field. Gagawin kong understandble yung mga legal papers para kahit sino makaka-intindi. Yung tipong idadaan sa emosyon yung paninindak, hindi lang sa mga big words.
Nakakaloko kase na isa sa mga pinakaimportanteng dokumento lagi ang legal documents — posible kang mayare kung hindi mo naintindihan — pero purposely sya ginagawa na mahirap intindihin.
Naalala ko tuloy yung na-i-chismis sakin na may aksidenteng nangyare sa Disney Land pero hindi daw pananagutan yun ng Disney kase nag-agree yung lalaki sa isang clause sa Disney+ T&Cs!
Na-gets mo ba?
Hindi?
Yung lalaki din, hindi nya nagets. Kaya ayun, iyak na lang.
(Note: hindi ko na-fact check yung detalye. Ang point ko lang ay ang gulo ng legal legal terms na yan.)
So unlike those aspiring lawyers na gustong magbigay ng hustisya sa mga naapi, ako, gusto ko lang magbigay ng hustisya sa mga hirap magbasa.
Kaya buti na lang, 1 year after graduation, nung nagta-trabaho na ako, narealize kong parang kailangan kong pumihit sa ibang karera.
Dun ko nakita yung marketing.
And for purposes of precision and without prejudice to other potential interpretations, copywriting.
Non-legal translation: Copywriting, to be exact.
Inaral ko to. As in.
Tapos unang sample copy ko pa lang, na-inlove ako kung pano sya nangyayare.
“Ah okay to ha. Parang kinilig ako ha,” sabi ko.
Tapos sinend ko agad kay Aeriel at sa mga kapatid ko yung ginawa ko.
Nagkataon naman na nagkanda-leche-leche ang mundo ko nung 2020. Tapos nagka-pandemic pa…
Parang bigla akong tinawag ng universe,
“Huy, freelance ka na. Mauuso na yung WFH.”
At ayun na nga. Tinahak ko ang road less traveled. Mula non, yung copywriting at marketing skills ko na ang naging puhunan ko.
Imbis na paganon, paganon!
Sobrang hirap. Wala akong kilala na nasa field so nangangapa ako sa mga bagay-bagay.
Hanggang ngayon, actually, learn as you go sabi nga nila. Ganon naman lagi.
Pero at least, yung kagustuhan kong pasimplehin at padaliin ang pag-intindi sa mga kumplikadong bagay, nagamit ko.
Kinuha pa nga ako ng isang law firm noon para hawakan yung marketing nila. Full circle diba?
Kaya kahit papano, parang okay lang naman na hindi ko nagawa yung plano ko sa internship ko noon. Wala akong nakapa at di ako nakipag-network.
Although I think nagawa yun nung pinsan ko? Kase sumagot sya sa tanong ko. Sabi nya,
“Okay lang.”
Yup, buhay pa me.
Naipit lang ako sa personal stuff, binubuong negosyo at pati na din sa pagiging copywriter. Kaya ayun, napunta sa backseat ang RilleBlog.
Baket kase wala pang paid dito sa Substack sa Pinas…… de joke.
(weh, joke lang?)
Pero kahit na ngayon lang ulit ako nakapag-post, di ko naman tinalikuran ang pagsusulat. Puro sulat din naman kase ang puhunan sa mga ginagawa ko. Copywriter nga eh.
Wait.
Bat di ko idugtong yun dito? I mean, bukas ako for new clients (kaya may time magsulat dito). Blog ko naman to.
Sige.
If may plans ka for your biz this last quarter (lalo na wala pang paid subscription dito), maybe I can help!
Ha. That’s another reason para ganahan magsulat dito.
Anyway. See you.
No posts

Comments
Nothing yet. Say the first thing.
Sign in to join the conversation.