RSS Amplifier

News source

RMN Networks

Home of Local News, Public Service and Entertainment in the Philippines

rmn.phSource feed ↗10 articles

Overdue Last read · last published · next check
Last read 19 hours ago, longer than this feed's 1 hour schedule.

Written by

Latest articles

Camera ng media, dapat payagan din sa loob ng impeachment court

Para kay House Prosecutor at Manila 3rd district Rep. Joel Chua, mainam na payagan din ang camera ng media sa loob ng Senate Impeachment Court habang isinasagawa ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte para mas mapag-ibayo ang pag-iral ng transparency. Pinaalala ni Chua na noong panahon ng impeachment trial kina dating Pangulong Joseph Estrada […]

Mabagal na pag-take down ng META sa livestream video ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University, sinita ni Sen. Risa Hontiveros

Pinuna ni Senator Risa Hontiveros ang mabagal na pag-take down ng META sa livestreaming ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School. Giit ng senadora, hanggang ngayon kasi ay may mga nakikita pa sa Facebook na kopya ng livestream video kaugnay sa school shooting incident. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, sinabi […]

DILG, isusulong ang paglalagay ng mga barangay tanod sa loob ng mga paaralan para sa seguridad ng mga estudyante

Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government o DILG na payagang makapaglagay ng istasyon ang mga barangay tanod sa loob ng mga paaralan bilang dagdag-seguridad sa mga estudyante. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, pamilyar ang mga barangay tanod sa kanilang komunidad at maging sa mga kabataang nag-aaral dito kaya maaari silang tumulong […]

Chinese Embassy, mistulang PR Firm ni Tony Yang —DND Sec. Teodoro

Tinawag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na mistulang PR firm ni Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad sa bansa na kinasasangkutan ng kanilang mga kababayan ang Chinese Embassy. Aniya, mula sa mga pampublikong pahayag ng nasabing embahada nitong mga nakaraang araw, malinaw na kino-cover up o pinagtatakpan nila ang nasabing indibidwal. […]

Rep. Cendaña, magkakasa ng legal na hakbang laban sa nasa likod ng paninira at personal na pag-atake sa kanya

Nagsasagawa na ng konsultasyon sa kanyang mga abogado si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña para kaukulang legal na hakbang laban sa mga responsable sa paninira at personal na pag-atake sa kanya online man o offline. Sang-ayon si Cendaña na bilang public official ay bahagi ng kanilang trabaho ang mga kritisismo […]

Malacañang, nababahala sa mga pekeng testigo sa flood control scam kasunod ng recantation ni Orly Guteza

Nagbabala ang Malacañang laban sa paggamit ng mga pekeng testigo at gawa-gawang salaysay sa imbestigasyon ng flood control scandal, kapalit ng pera. Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro matapos bawiin ng dating security aide ni Zaldy Co na si Orly Guteza ang nauna nitong mga alegasyon laban kay dating House Speaker Martin […]

Paglala ng ekonomiya, hindi na dapat hintayin bago pag-aralan ang mga wage adjustments —DOLE

Hindi dapat maging hadlang ang injunction para tugunan ang nagbabagong kalagayan ng mga manggagawa at employer. Ito ang binigyang-diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa gitna ng hindi pa naipapatupad na P85 minimum wage hike sa Metro Manila dahil sa utos ng korte. Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, patuloy na hahanap ang […]

Kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, naghain ng supplemental counter-affidavit sa Ombudsman

Naghain sa Office of the Ombudsman ang kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ng supplemental counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon sa umano’y flood control projects. Kinumpirma ni Atty. Felix Villa, isa sa mga abogado ni Romualdez, ang paghahain ng dokumento ngayong August 20. Nauna nang sinabi ni Atty. Ade Fajardo na […]

PNP, hiniling sa DepEd na payagan silang mag-ronda sa loob ng paaralan kasunod ng mga school shooting incident

Nanawagan ang Pambansang Pulisya sa Department of Education o DepEd na payagan silang makapag-ronda o ikot sa loob ng mga paaralan. Kasunod na rin ito ng mga serye ng school shooting incident na kinasasangkutan ng mga estudyante. Ayon kay Southern Police District (SPD), District Director PBGen. Glenn Cinco, ang kanilang panawagan ay para mag-alangan ang […]

39 na lugar sa Metro Manila, gagawing underground water facilities bilang dagdag solusyon sa baha

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng underground water storage facilities o mga cistern bilang dagdag na solusyon sa pagbaha sa Metro Manila. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa 39 na site na ang tinutukoy ng pamahalaan na maaaring paglagyan ng rainwater cisterns. Kabilang dito ang Rajah Sulayman, Rizal Memorial, Camp […]