RSS Amplifier

philstar.com - RSS PSN Metro · Aug 20, 2026

13 pumping stations ilalagay sa Metro Manila para sa baha

0
Sign in to vote or save

Gemma Garcia · Pilipino Star Ngayon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

August 21, 2026 | 12:00am

MANILA, Philippines — Para matugunan ang mga pagbaha, maglalagay ng karagdagang 13 pumping stations sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pag-iinspeksyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City na isa sa pinakamalaking pumping stations sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Pangulo, dahil sa climate change at dahil sa pagtaas ng volume ng ulan ngayon at sa hinaharap, kaya kailangan na malagay ng karagdagang pumping stations sa loob at labas ng Metro Manila.

“I think altogether we will have 13 additional pumping stations which should have in place by the end of this year or the beginning of next year. Most of them should be in place already,” ayon pa kay Marcos sa isang ambush interview.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, na sa nasabing bilang, apat ang itatayo habang ang iba ay sasailalim lang sa upgrades ang mga umiiral na pasilidad.

Ang Taripa de Gallina station ay mayroong pumping capacity na 56-cubic meters per second at kailangan pa rin tulungan ng isa pang water routes para hindi ito magbara.

Dahil naman aniya sa lakas ng capacity, ayon kay Marcos ay humihigop ang pumping station ng iba’t ibang kalse ng basura tulad ng sofa, ref, TV, kama, at iba pa.

Kaya biro ng Pangulo maaari nang magtayo ng isang bahay sa rami ng ganitong mga basura na nakukuha.

Read the original on philstar.com

Comments

Nothing yet. Say the first thing.

    Sign in to join the conversation.