Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
August 21, 2026 | 12:00am
MANILA, Philippines — Dahil sa pagpatay kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino kaya nagising ang mga Filiipino nagmamahal sa ating bayan.
Ito ang pahayag ni dating Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa paggunita ngayong araw ng ika-43 anibersaryo ng kabayanihan ni Ninoy noong Agosto 21,1983.
“Ang brutal na pagpatay kay Ninoy ang siyang gumalit at gumising sa ating mga Pilipino na nagmamahal sa ating bayan,” ayon kay Atienza..
Sinabi pa ng dating Kongresista at Alkalde ng Maynila, na dahil dito, nagawa nating manindigan at ipagtanggol ang katotohanan, ang demokrasya at ang ating kalayaan laban sa mga abuso at pagmamalabis ng mga namumuno noong martial law.
“Nawa’y huwag nating makalimutan ang kahalagahan at mga aral ng kabayanihan at sakripisyo ni Ninoy para sa ating bayan,” ayon pa kay Atienza.

Comments
Nothing yet. Say the first thing.
Sign in to join the conversation.