August 22, 2026 | 12:00am
“SI St. Charbel ang nagpagaling sa iyo, Inay,” sabi ko. “Ang sinasabi mong gumamot sa iyo ay walang iba kundi ang santo na hiningan namin ng tulong para gumaling ka sa sakit,” sabi ko at ikinuwento ko kay Inay ang mga nangyari. Sabi ko matagal kaming nanalangin sa libingan ni St. Charbel sa Annaya at hiniling na gumaling siya. Ikinuwento ko na ang aking mga amo ang nag-suggest na magtungo kami sa libingan ni St. Charbel para manalangin at humingi ng tulong. Maraming oras kaming nakaluhod sa kapilyang kinalilibingan ng mapaghimalang santo.
“Dahil sa aming walang patid na pagdarasal, dininig ni St. Charbel ang aming kahilingan na gumaling ka Inay. Napakabuti niya. Hindi kami binigo sa aming kahilingan.”
“Hindi ka talaga nagpadala ng doktor, Anak?”
“Hindi Inay. Tanging ang matinding panalangin namin kay St. Charbel ang nagpagaling sa iyo.”
Napaiyak si Inay at nagpasalamat kay St. Charbel dahil sa ginawang himala.
Ako man ay labis-labis din ang pasasalamat sa mapaghimalang santo. Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon sa aming buhay.

Comments
Nothing yet. Say the first thing.
Sign in to join the conversation.