RSS Amplifier

philstar.com - RSS PSN Showbiz · Aug 21, 2026

Ginebra, may milyun-­milyong sorpresa sa takip!

0
Sign in to vote or save

Pilipino Star Ngayon · Pilipino Star Ngayon

August 22, 2026 | 12:00am

Nilunsad ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang nationwide promo na Ginuman Na! Ginebra Na! Ginstanalo Under-the-Seal/Under-the-Cap Promo! na nag-aalok ng milyun-milyong pisong halaga ng cash prizes, kabilang ang limang grand prize na tig-?1 milyon.

Tatagal ang promo mula July 16 hanggang Nov. 15, 2026, at saklaw nito ang under-the-seal at under-the-cap consumer promo ng tatlong brand ng GSMI: Ginebra San Miguel, Primera Light Brandy at Freedom Island Light Rum.

Para sa mga mamimili ng Ginebra San Miguel,  maaari silang manalo ng malalaking cash prize na ?100,000 at ng pinakahihintay na limang ?1 milyong grand prize, sa simpleng pagtingin sa ilalim ng seal o takip ng participating GSMI products na kanilang binili.

Maaari ring manalo ang mga kalahok ng semi-major cash prizes: ?20,000 mula sa Primera Light Brandy, ?10,000 mula sa Ginebra San Miguel, at ?5,000 mula sa Freedom Island Light Rum. Mahigit ?100 milyon na cash prizes ang maaaring mapanalunan sa Ginstanalo promo ngayong taon, na magiging pinakamalaki sa kasaysayan ng GSMI.

May pagkakataon din ang mga mamimili na manalo ng instant cash prizes sa pamamagitan ng pagsuri sa promo seal o takip ng participating products. Maaaring manalo ang lucky buyers ng Ginebra San Miguel ng instant P10 habang ang Primera Light Brandy at Freedom Island Light Rum ay may instant cash prize na ?20.

Saklaw ng promo ang Ginebra San Miguel Round, Frasquito at Frasco bottles, kung saan makikita ang mga winning code sa ilalim ng promo seals. Ang mga kasaling bote ng Primera Light Brandy (750 mL at 1 L) at Freedom Island Light Rum (750 mL) naman ay may winning codes sa ilalim ng kanilang promo caps.

Donny, Moira, Maki, at anne, makiki-party sa Australia!

Maki-party sa nag-uumapaw na sayawan at kantahan sa ASAP XP sa Australia sa pangunguna nina Donny Pangilinan, Moira, Maki at Anne Curtis ngayong Linggo (Aug. 23), 5:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live, iWant at TFC.

Damhin ang nakakaantig na solo act ni Donny para sa kanyang fans. Kasunod nito ang walang humpay na pagbirit ni Anne Curtis sa kanta ni Sia na Chandelier.

Mapapakinggan na ng fans ang pinaka-inaabangan na duet nina Moira at Maki.

Todo bigay na sayawan at kantahan ang hatid na showdown nina Ogie Alcasid kasama ang Wrong Direction na sina Robi Domingo, Donny, Darren, Kyle Echarri, at It’s Showtime boys na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Magpapakitang-gilas din sa biritan ang one of a kind collab nina Regine Velasquez at Sofronio Vasquez.

Pangmalakasang energy ang mapapanood sa dance break nina Gary Valenciano, Maymay Entrata, Kyle, AC Bonifacio at Vhong.

Kahanga-hangang performance rin ang ipapamalas ng ASAP divas na sina Divas Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto and Klarisse De Guzman.

Huwag ding palalampasin ang bonggang duet nina Martin Nievera and KZ Tandingan.

Tuluy-tuloy rin ang world-class performance sa hatid na number ni Ogie kasama ang new gen divas na sina Alexa Ilacad, Kai Montinola, Esang De Torres, Elha Nympha and Carmelle Collado.

Samantala, abangan din ang finale number nina Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik Santos, Angeline, KZ, Kim Chiu, Robi, Donny, Belle Mariano, Darren, Maymay, Kyle, Alexa, Anne, Jhong, Vhong, Klarisse, Jona, Sofronio, James Reid, Kai, Esang, Elha, Carmelle, Kai, Paulo Avelino, Melai Cantiveros, AC, Moira, TJ Monterde and Maki.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Donny, Belle, Darren, Alexa and Melai.

Read the original on philstar.com

Comments

Nothing yet. Say the first thing.

    Sign in to join the conversation.