RSS Amplifier

philstar.com - RSS PSN Probinsiya · Aug 20, 2026

Death toll sa TCs Luis, Maymay, habagat 29 katao na - OCD

0
Sign in to vote or save

Joy Cantos · Pilipino Star Ngayon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

August 21, 2026 | 12:00am

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng death toll sa magkasamang epekto ng dalawang nagdaang bagyo at southwest monsoon o habagat na lumobo na sa 29 katao nitong Huwebes, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ni OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano sa 29 kataong death toll, 15 dito ay mula sa Benguet sanhi ng landslide. Kabilang dito ay sampu sa Baguio City, 3 sa Atok at dalawa naman sa La Trinidad.

Ang iba pa ay mula sa lalawigan ng Rizal na nagtala ng apat na nasawi mula sa pagkalunod, rockslide, at nabuwal na punong kahoy.

Sa lalawigan ng Batangas ay apat sani ng pagkalunod, landslide at pagkakakur­yente habang tig-isa naman sa Candelaria, Quezon; isa sa Puerto Galera, Oriental Min­doro, isa sa Cadiz City, Negros Occidental, at dalawa sa Caloocan City; pawang sanhi ng landslide at pagkalunod.

Nasa 2,108 kabahayan naman ang napinsala kabilang ang 1,882 nagtamo ng pagkasira at 226 ang tulyang nawasak. Nasa 4,665,304,087 bilyon ang pinsala sa imprastraktura habang sa agrikultura naman ay P1,423,918,790 bilyon.

Read the original on philstar.com

Comments

Nothing yet. Say the first thing.

    Sign in to join the conversation.