Tumawag sakin yung groomer ni Jappy, tapos na daw sya i-groom and ready for pick-up na.
Pag dating ko nasa crate na si Jappy, tumingin sakin, tas ang laki-laki ng ngiti— Pero di kasing laki ng ngiti nya yung ngiti ko.
Napansin ko kase na parang hindi nasunod yung sinabi kong cut nya.
Bilang isang smart consumer in training, tumatakbo na agad sa isip ko kung pano ko pa mas ma-e-explain nang maayos yung gusto kong itsura at kung anong mali sa gupit na ginawa nila. Sayang naman yung bayad ko kung di ako masaya sa resulta. Pinili ko pa naman yung longer than usual cut kahit na sabi ni Aeriel paiksiin ko ng sobra para hindi agad humaba. Eh unang tingin ko palang sa aso ko, ang nasabi ko sa utak ko, “hala ang haba pa”.
Tapos parang kahit si Jappy hindi nya gusto yung gupit nya kase hindi sya kasing excited than usual. Nakangiti lang sya pero yung tahol at tail wagging na parang lilipad na sya, wala.
Mabuti pa yung aso sa likod, nakita kong patalon-talon pa nung nakitang palapit na ako sa front desk.
“Hello yung kay Jappy, uhm…”
*arf! na high pitch*
Napatingin ako dun sa asong tumatalon… tas napatingin ulit ako kay Jappy… Tumahol ulit yung aso sa likod kaya napatingin ulit ako sakanya.
Anak ng…
Di ko pala aso yung kanina.
Eto palang kanina ko pa nakikita sa peripheral view ko yung aso ko. Si Jappy pala kanina pa sumasampa pa sa crate tas tumatalon talon.
Muntik na akong magreklamo sa gupit ng asong hindi naman sakin. Muntik na akong maging Karen. Pero in my defense, sobrang kamukha talaga nung isang aso si Jappy.
“Yes sir?”
Oo nga pala kausap ko si ateng nasa front desk.
“…ahh yung kay Jappy, magkano nga, Miss?”
Smooth.
Dati skeptical ako sa mga videos na maling aso yung na-i-uwi nila from the vet, akala ko scripted lang. Malay ko bang nangyayare pala talaga yun.
P.S. Kung nangyayare yung ganon, I wonder kung nangyayare din yun sa nursery section sa mga ospital.
No posts

Comments
Nothing yet. Say the first thing.
Sign in to join the conversation.