RSS Amplifier

RilleBlog · Feb 23, 2026

Eto tayo ngayon...

0
Sign in to vote or save

Johnrille Manalo · RilleBlog

Nakita ko na lang yung sarili kong nakatingin sa screen ng RilleBlog na walang laman.

“Watdashek??”

Wala akong particular topic o ready na kwento na ma-i-she-share.

Ang inupuan ko eh email ideas para sa client. Pero…

Anyare??

Ano ba ‘to, writer’s way of procrastinating?

Sinusulat ko ‘to Monday morning… Monday morning ng isa na namang abnormally busy week sa trabaho at sa bahay. Pero imbes na simulan ko ang linggo ko with a task that actually lightens the workload, eto nagw-word vomit ako, out of nowhere, sa blog ko na ilang buwan nang natutulog.

Although…

May idea naman ako kahit konti kung bakit biglang diniktahan ako ng free will kong pumunta dito.

Una.

Sabi nila, nagsisimula daw ang araw mo kagabi.

At kagabi, ang pinakahuli kong ginawa bago matulog? Manood ng isang intimate character-driven ensemble piece about love and the painful art of starting over.

Crazy, Stupid, Love yung title…

Rom-com.

Gandang pelikula!

Pero dahil healthy naman ang romantic love na meron ako, tingin ko, ang love for writing ang nakiliti sa akin kagabi. Kaya eto tayo ngayon.

Pangalawa.

Nabanggit ko a few weeks ago sa notes ko (notes nga ba tawag dito?) na iku-kwento ko soon yung tungkol sa business namin ni Aeriel (the healthy romantic love I have).

Pero alam ko na kailangan ko ng konting warm-up bago i-share sa’yo yung kwento.

Walang plano kung kelan. Pero I guess eto na yung start kase nandito na tayo ngayon.

Pangatlo.

Pagkaharap ko sa laptop ko a few minutes ago, naduwag ata talaga ako simulan ang isa nanamang linggo pagsusulat para sa mga accounts na meron ako.

I’m a copywriter. Bawat linggo, humigit-kumulang 7,000 words ang sinusulat ko para sa ibang tao.

Na-eenjoy ko bawat salita.

Pero syempre, nauumay din ako.

(Napapangiti si Karl Marx somewhere dahil lumilitaw nang bahagya ang alienation of labor concept nya)

Yung mga brain cells ko ay naghahanap na ng way para mailabas ang sarili kong boses. Pero hindi ko naman yung pwede gawin sa negosyo ng ibang tao.

Kaya eto tayo ngayon.

Habang gumagalaw ang mga daliri, iniisip ko kung kaya ko bang i-commit ulit ang daily writing. Nakiliti ako sa idea. Nakaka-excite.

Pero hindi ganon kabilis ang utak ko para makadesisyon.

Posibleng isa nanaman itong one-write stand just to blow off steam.

Pero posible din na first step ko ‘to sa aking painful art of starting over.

Either way, masaya ako dito sa procrastination session na ‘to.

Di ko kailangang tingnan kung anong bago sa Substack. At kung relevant pa ba ang ganitong “style” ng stack dito. At kung me mga bago ba akong mga subscribers. (Kung meron man, hello!)

Bigla ko lang gustong magsulat kaya eto tayo ngayon.

Ikaw, ano na namang ginagawa mo? Mag-trabaho ka na.

Lunes na lunes kung anu-anong ginagawa mo.

No posts

Read the original on johnrillemanalo.substack.com

Comments

Nothing yet. Say the first thing.

    Sign in to join the conversation.